Home HOME BANNER STORY Mas mahigpit na regulasyon sa rooftop solar panels, itinutulak ng Meralco

Mas mahigpit na regulasyon sa rooftop solar panels, itinutulak ng Meralco

123
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Manila Electric Company o Meralco ang mas mahigpit na regulasyon sa pag-i-install ng rooftop solar panels upang maiwasan ang maling pagkakabit na maaaring magdulot ng sunog.

Ayon kay Meralco spokesman Joe Zaldarriaga, hindi nila layuning pigilan ang paggamit ng solar energy, kundi tiyakin ang kaligtasan ng mga konsyumer.

“It’s primarily a safety issue,” ani Zaldarriaga. “Isang maling instalasyon may result in accidental fire.”

May mga ulat na umano ng sunog na konektado sa hindi maayos na pagkakabit ng solar panels na hindi sumusunod sa safety standards.

Binanggit din niya ang tinatawag na “guerrilla installations” o mga solar setup na walang permit at walang inspeksyon mula sa lokal na pamahalaan.

“Nandito kami para tumulong na umusbong itong mga rooftop solar installations as long as it is done properly, safely, and in consonance with government regulations,” dagdag niya.

Pero tumutol ang consumer group na Power for People Coalition, at sinabing hindi na kailangan ng dagdag na regulasyon dahil saklaw na ito ng building codes, electricity codes, at inspeksyon ng Bureau of Fire Protection.

Nagbabala naman si Gerry Arances, convenor ng grupo, na handa silang dumulog sa korte kung makakasama ito sa kapakanan ng consumers. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here