Home NATIONWIDE Mas malalim na bilateral ties sa Sweden, Egypt target ng PH

Mas malalim na bilateral ties sa Sweden, Egypt target ng PH

MANILA, Philippines- Sinabi ni Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. nitong Huwebes na nais ng Pilipinas na paigtingin ang bilateral ties nito sa Sweden at Egypt.

Inihayag ito ni Marcos sa presentasyon ng mga agong talagang ambassador ng parehong bansa ng kanilang credentials sa Pangulo. Hiwalay siyang nakipagpulong kina Swedish Ambassador-designate Anna Ferry at Egyptian Ambassador-designate Nader Nabil Zaki sa Malacañang Palace.

Batay sa Presidential Communications Office, sinabi ni Ferry kay Marcos na nakikita ng Sweden ang Pilipinas bilang isang “priority partner.”

Aniya pa, suportado umano ng Sweden ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at ang freedom of navigation.

“You come in a particularly auspicious time when the development of relations between our two countries have grown significantly,” sabi ni Marcos kay Ferry.

Itinatag ng Pilipinas at ng Sweden ang diplomatic relations nito noong January 17, 1947. 

Inilahad naman ni Zaki na committed ang Cairo sa pagpapalakas ng bilateral relations, pagpapahusay ng trade at investments, at pagsusulong ng cultural at people-to-people exchanges sa Manila. 

Itinatag ng Pilipinas at ng Egypt ang pormal na diplomatic relations noong March 3, 1946. RNT/SA