MANILA, Philippines – Ginanap na ang Command Conference ng BJMP na dinaluhan ni Hon. Juanito Victor C. Remulla, Secretary of the Interior and Local Government, kung saan muling pinagtibay ang layunin at direksyon ng ahensya para sa mas epektibong pamamahala ng mga pasilidad pangkustodiya at pagpapalakas ng mga programang rehabilitasyon para sa mga Persons Deprived of Liberty (PDL).
Kasabay nito, ipinagkaloob ang Medalya ng Kabayanihan sa mga kawani ng BJMP na nagpakita ng kagitingan, sakripisyo, at dedikasyon sa serbisyo, lalo na sa mga natatanging aksyon nila sa ambush sa ParaƱaque.
Ang kanilang mga kwento ay nagbigay inspirasyon sa buong bansa at sa kanilang mga kasamahan.
Ipinagdiwang din ang promosyon ng mga bagong Jail Chief Superintendents at Jail Senior Superintendents, na hindi lamang kinilala ang kanilang kakayahan kundi naging hamon din upang mas palakasin ang pamumuno at malasakit sa BJMP.
Ang lahat ng ito ay patunay ng patuloy na pag-unlad at pagbubuklod ng BJMP sa kanilang layunin na maglingkod ng tapat, magtaguyod ng reporma, at magtayo ng mas ligtas na bansa. (Danny Querubin)