Home HOME BANNER STORY Mas marami pang probinsya masasapul ng tagtuyot ngayong buwan – PAGASA

Mas marami pang probinsya masasapul ng tagtuyot ngayong buwan – PAGASA

MANILA, Philippines – Inaasahang magpi-peak ngayong buwan ang El Niño phenomenon, at mahigit 35% hanggang 50% ng bansa ang makararanas ng below-normal rainfall conditions.

Dahil dito ay posibleng palakasin pa ang dry spell at tagtuyot sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

“By the end of February, twenty-four (24) provinces in Luzon and one (1) province in Visayas are potential for meteorological drought conditions; seventeen (17) provinces for dry spell, while, ten (10) provinces will be potential for dry conditions,” sinabi ng state weather bureau.

Inaasahan ng PAGASA ang mas malalang sitwasyon kumpara sa assessment nito sa mga apektadong probinsya noong Enero, kung saan 14 na probinsya ang nakararanas ng tagtuyot, 10 ang dry spells at 17 ang may dry conditions.

Sa pagtaya ng ahensya, maaapektuhan ang mga sumusunod na lugar sa pagtatapos ng buwan:

* Tatlong magkakasunod na buwan ng below-normal rainfall condition, o mas mahigit sa 80% na bawas sa average rainfall:

Luzon: Abra, Apayao, Aurora, Bataan, Benguet, Cagayan, Cavite, Ifugao, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Isabela, Kalinga, La Union, Metro Manila, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Occidental Mindoro, Palawan, Pangasinan, Quirino, Rizal, Zambales
Visayas: Negros Occidental

Dry Spell

Tatlong magkakasunod na buwan ng below normal rainfall condition, o 21-60% na bawas sa average rainfall:

Luzon: Batangas, Laguna, Masbate, Oriental Mindoro
Visayas: Antique, Biliran, Capiz, Cebu, Eastern Samar, Guimaras, Iloilo, Leyte, Negros Oriental, Samar
Mindanao: Lanao del Norte, Sulu, Tawi-Tawi

Dry Conditions

Dalawang sunod na buwan ng below normal rainfall condition, o bawas na 21-60% mula sa average rainfall:

Luzon: Bulacan
Visayas: Bohol, Siquijor, Southern Leyte
Mindanao: Camiguin, Misamis Occidental, Misamis Oriental, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur, Zamboanga Sibugay

Ayon sa PAGASA, inaasahang magpapatuloy ang El Nino phenomenon mula Marso hanggang Mayo, bago ang transition sa El Niño-Southern Oscillation (ENSO)-Neutral conditions mula Abril hanggang Hunyo. RNT/JGC

Previous article5 airport police inakusahan ng Chinese national sa P15K extortion
Next articleIC Mendoza, na-scam ng P30k!