Home LIFESTYLE HEALTH Mas maraming gamot sa cancer, diabetes na walang VAT, dinagdagan pa

Mas maraming gamot sa cancer, diabetes na walang VAT, dinagdagan pa

379
0

MANILA, Philippines – Pinalawak ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang listahan ng mga gamot na walang VAT matapos aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA).

Sa ilalim ng Revenue Memorandum Circular 108-2025, higit 2,200 gamot para sa cancer, diabetes, altapresyon, mataas na kolesterol, sakit sa bato, mental na karamdaman, at tuberculosis ay VAT-exempt.

Kabilang sa mga bagong idinagdag ay limang gamot para sa cancer, gaya ng Irinotecan Hydrochloride Trihydrate, Irinotecan, Nilotinib, at dalawang dosages ng Capivasertib, at walong gamot para sa diabetes, karamihan ay iba’t ibang dosage ng Semaglutide at kombinasyon ng Gemigliptin at Dapagliflozin.

Ngayon, may 675 VAT-free na gamot para sa cancer, 323 para sa diabetes, 173 para sa mataas na kolesterol, 542 para sa altapresyon, 154 para sa sakit sa bato, 300 para sa mental na karamdaman, at 75 para sa tuberculosis. Sakop ang exemption ng TRAIN Law at CREATE Act. Makikita ang buong listahan sa website ng FDA. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here