Home METRO 3-anyos naabo sa kandila sa Rizal

3-anyos naabo sa kandila sa Rizal

278
0

MANILA, Philippines – Nasawi ang isang tatlong taong gulang na bata matapos magdulot ng sunog ang kandila sa loob ng bahay sa Barangay Dela Paz, Antipolo City, Rizal noong Martes, Disyembre 9.

Sugatan din ang isang 62-anyos na lalaki at isang batang babae.

Ayon sa pulisya, nahulog ang kandila na nakalagay sa mesa malapit sa kanilang tulugan at naging sanhi ng mabilis na pagkalat ng apoy dahil sa magagaan na materyales.

Humingi ng tulong ang senior citizen sa mga kapitbahay upang mapatay ang sunog.

Lahat ng tatlong biktima ay nasunugan at dinala sa ospital, ngunit idineklara nang patay ang bata pagdating. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here