MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang pagtaas ng human immunodeficiency virus (HIV) testing sa Pilipinas dahil tumaas umano ng 500% ang bilang ng mga kabataang Pilipino na nahawa ng naturang sakit.
Sinabi ni Herbosa na napakabata na ang mga nagkakaroon ng HIV kung saan ang huling naiulat ay isang 12 anyos.
Binigyang-diin ng kalihim na may pangangailangan na itaas ang kamalayan sa mga kabataan, kung saan 61% lamang ang sumailalim sa pagsusuri para sa HIV.
Binigyang-diin din ni Herbosa ang kahalagahan ng paggamit ng antiretoviral (ARV) medicine para makatulong na mabawasan ang kaso ng HIV sa bansa.
Sinabi ni Herbosa na ang retesting para sa HIV ay inirerekomenda tuwing ika-anim na buwan habang ang refilling ng ARVs ay ginagawa tuwing tatlong buwan.
Samantala, sinabi ng DOH na ang pagkuha ng HIV test at pag-avail ng ARV tretament ay naging mas accessible na ngayon sa kanilang bagong Patient Appointment System (PAS). Jocelyn Tabangcura-Domenden