MANILA, Philippines- Asahan ng Pilipinas ang pagsama ng Australia sa mas maraming maritime cooperative activities (MCA) sa katubigan nito.
“In terms of MCAs, you can expect to see more into the future. This is what we do when you have (a) very close defense cooperation relationship,” ayon kay Australian Ambassador to the Philippines HK Yu.
Sinabi ni Yu na may commitment ang Australia na tulungan ang Pilipinas sa maritime security nito.
Ang isinagawang aniyang MCAs sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas ay nagpapakita lamang ng “collective commitment to strengthen regional and international cooperation in support of a free and open Indo-Pacific” sa pagitan ng Pilipinas at partners nito.
Matatandaang noong mga buwan ng Abril at Agosto, nagpartisipa ang Australia sa dalawang magkahiwalay na “joint sails” kasama ang naval forces ng Pilipinas, Estados Unidos, Japan, at Canada.
Ang mga MCAs ay lumutang kasunod ng pagtaas ng presensya ng mga Chinese at walang pakialam at matapang na pagpasok sa hurisdiksyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), na makailang-ulit na ipinanawagan ng ilang bansa.
Binanggit naman ni Yu na ang sitwasyon sa South China Sea ay isang regional issue na ang mga bansang gaya ng Australia ay may malasakit.
“You will notice that even many countries that are outside the region are passionate about this issue —it’s because the South China Sea is a very important international waterway for the whole world,” ayon kay Yu.
“Imagine if international law does not guide how the South China Sea can be used, and does not protect the right of countries to do freedom of navigation and overfly, you know, you’re running into some problems. So, this is not an issue just between the Philippines and China,” patuloy niya.
Samantala, pinuri ni Yu ang kamakailan lamang na paglagda sa Reciprocal Access Agreement between Japan at Pilipinas, sabay sabing ito’y magiging instrumental sa posibleng trilateral cooperation sa ibang bansa.
“What that means in practice is that it will make cooperation much easier because there is a standard agreement,” ang winika ni Yu.
“And all those countries that have those agreements amongst us, whether it’s trilateral or quadrilateral, it’s just going to make things so much easier and more seamless,” aniya pa rin.
Maliban sa partisipasyon ng MCA, isinama rin ng Australia ang Pilipinas sa flagship regional naval engagement activity nito sa Indo-Pacific Endeavour 2024, nakatuon sa pagpapalakas ng pagtutulungan sa disaster response at maritime law, bukod sa iba pa. Kris Jose