MANILA, Philippines – Hiniling ni Senate Senior Deputy Majority Leader JV Ejercito ang mga kasamahan sa Senado na taasan ang alokasyon para sa priority railway projects sa proposed 2025 budget.
Sa pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 15, partikular na tinukoy ni Ejercito ang Philippine National Railways (PNR) South Long-Haul Project, Mindanao Railway Project, at Manila Rail Transit (MRT) Line 4 Project — mga railway na kailangan para sa paglago ng ekonomiya ng bansa.
Ayon kay Ejercito, mahalaga ang mga rail project na ito sa pagpapabuti ng connectivity at pagbawas ng traffic congestion, ngunit nanganganib na hindi mabigyan ng sapat na badyet sa kapwa executive-submitted National Expenditure Program (NEP) at Congress-amended General Appropriations Bill (GAB).
“Through our recommendation and the support of Senator Grace Poe, our Chairperson of the Senate Committee on Finance, we were able to introduce additional funding to the department’s budget,” ani Ejercito, sponsor ng badyet ng Department of Transportation (DOTr), sa deliberasyon ng alokasyon ng ahensya Huwebes ng gabi.
“There is an immediate need to fund the aforementioned items to prevent loss of jobs and sustain the operational requirements of the project management offices,” dagdag pa niya.
Sa ilalim ng 2025 NEP, humihirit ang DOTR ng P180.89 bilyong badyet para sa 2025, mas mataas ng 144.35 percent kumpara sa alokasyon ngayong taon.
Sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na layon nitong pondohan ang big-ticket infrastructure projects sa railway at mga paliparan.
Sa kabila nito, binawasan ang badyet ng DOTR sa P106.86 bilyon, katumbas ng 42% na bawas mula sa orihinal na badyet sa 2025 NEP.
“I would like to take this opportunity to appeal to my dear colleagues to support us. In the long term, this will stimulate our economy and create more job opportunities for our countrymen,” anang senador.
“This cut derails the effort of the government to develop the sector. It also has great implications especially on the ongoing construction of priority railway projects,” dagdag pa niya. RNT/JGC