Home NATIONWIDE Storm surge risk map pinalilikha ni PBBM sa typhoon-prone areas

Storm surge risk map pinalilikha ni PBBM sa typhoon-prone areas

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglikha ng mapa na makapagtutukoy ng mga lugar na may banta ng storm surge kapag may bagyo.

Sa situation briefing kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa paghahanda sa Bagyong Pepito, inalala ni Marcos ang pinsalang idinulot ng storm surge sa panahon ng Super Typhoon Yolanda.

“So can we generate the map as soon as possible so that we can allow the DILG [Department of the Interior and Local Government] to warn those areas that there is a storm surge coming,” ani Marcos.

Sinabi rin niya na isa sa kritikal na elemento ng storm surge ay ang elevation above the high water mark.

Nangangahulugan ito na kapag ang tatlong metrong storm surge ay inaasahang tatama sa lugar, dapat ilikas ang mga residente sa lokasyon na mas mataas ng hanggang limang metro.

Matatandaan na naglabas na ng storm surge warning ang PAGASA nitong Biyernes sa mahigit walong probinsya sa Luzon at Visayas dahil sa Bagyong Pepito. RNT/JGC