TOKYO, Japan – Nagpasya ang pamahalaan ng Japan na parangalan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at First Lady Louise Araneta-Marcos sa nalalapit nilang four-day state visit sa Japan mula Mayo 26 hanggang 29, 2026.
Igagawad kay Pangulong Marcos ang Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum, habang ang First Lady naman ay tatanggap ng Grand Cordon of the Order of the Precious Crown.
Ayon kay Japanese Chief Cabinet Secretary Minoru Kihara, layunin ng paggawad ng parangal na palakasin pa ang ugnayang Pilipinas at Japan.
Ang Supreme Order of the Chrysanthemum ay itinuturing na pinakamataas na parangal ng Japan, na iginagawad sa mga natatanging pinuno ng estado at miyembro ng royal family. Samantala, ang Order of the Precious Crown ay iginagawad sa mga kababaihang miyembro ng imperial family at mga kilalang dayuhang babae.
Sa state visit, inaasahang sasalubungin ang Pangulo at Unang Ginang nina Emperor at Empress ng Japan sa Imperial Palace para sa welcome ceremony, state call, at state banquet.
Makikipagpulong din si Pangulong Marcos kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi upang talakayin ang mas malalim na strategic partnership ng dalawang bansa, kabilang ang usapin sa energy at food security, at maritime security.
Kasama rin sa itinerary ang pakikipagkita sa mga Japanese business groups at Filipino community sa Japan.
Ayon sa MalacaƱang, ang Pilipinas ay maghahangad ng mas pinalakas na kooperasyon sa Japan, lalo na sa energy security at supply chain resilience.
Binanggit din ng Pangulo ang Japan-led POWERR Asia, isang inisyatiba na maaaring magbigay ng hanggang US$10 billion na suporta para sa energy at supply security sa rehiyon.
Layunin din ng Pilipinas at Japan, kasama ang ASEAN, na palakasin ang renewable energy adoption upang mabawasan ang epekto ng geopolitical at supply shocks. RNT/MND