Home NATIONWIDE Matangkad na parking boy niratrat sa tabi ng highway sa Bulacan, todasNATIONWIDETOP STORIES Matangkad na parking boy niratrat sa tabi ng highway sa Bulacan, todasAugust 29, 2026 15:0010 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Bulacan – Patay ang isang matangkad na lalaki nang pagbabarilin umano ng mga kalalakihan sa lungsod ng Malolos nitong hapon ng Agosto 27.Sa ulat, kinilala lamang ang napatay sa alyas “Tangkad”, na umano’y parking boy.Ayon sa ulat, nangyari ang pamamaril bandang 3:00 ng hapon sa tabi ng McArthur Highway sakop ng Brgy. Bulihan.Sa isang Facebook post na nagviral at ayon na rin sa impormasyon, nirapido ng tatlong armado ang suspek na agad nitong ikinamatay.Sinasabing posibleng sinisilip ng mga awtoridad kung may kinalaman sa iligal na droga ang nangyaring insidente.Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang insidente. Dick Mirasol III