Home ENTERTAINMENT Matet, sinabihang susunod na superstar!

Matet, sinabihang susunod na superstar!

Manila, Philippines- Tila may kanya-kanyang assignment ang mga naulilang anak ni Nora Aunor sa naging burol nito sa Heritage Park.

‘Ika nga, may division of labor.

Partikular kasing sina Ian at Lotlot de Leon ang sumasalubong sa mga paparating na kapwa taga-industriya.

Maitatanong: saan naka-assign si Matet de Leon?

For the most part ng duration ng wake, mas nakatoka si Matet sa mga fans who mass together outside the chapel.

Sa labas nga nagtipun-tipon ang mga fans from all walks of life.

Babae, lalaki, matanda, bata–all of them ay may hawak na cellphone camera na ‘di magkamayaw sa kakukuha ng litrato ni Matet.

In fairness to Matet, kahit mukha nang patang-pata ito, magiliw niyang ineestima ang mga tagahanga ng ina.

May iba sa kanila ang may dala ng ilang memorabilia ng kanilang idolo.

“Matet, Matet, ikaw na pumirma nito…ikaw naman ang susunod na Superstar!” sabi ng isang fan na may dalang long-playing vinyl record ni Nora.

Hesitant naman si Matet, short of saying there can never be another Superstar.

Pero para hindi na lang mapahiya ang mga Noranians who look up to her as the country’s next Superstar, Matet simply affixed her mom’s initials NCV.

“Pasensya na po kayo, water lang ang mao-offer namin,” ani Matet to the fans who braved the scorching heat of the sun.

Speaking of the tag Superstar, kahit si Michael V ay nag-post na isa lang ang kilala niyang Superstar. Ronnie Carrasco III