MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ang pagkakaroon ng matibay na polisiya at suporta mula sa mga myembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang susi para sa ikatatagumpay ng disaster response sa bansa.
Ito ang inihayag ng isang senior official ng DSWD sa ginanap na 34th International Conference of the Red Cross and Red Crescent sa Geneva, Switzerland nitong nakaraang Oktubre 28.
“The Philippines, being a disaster-prone country, ensures that its disaster risk management laws are properly implemented, as well as, revisited to match the ever-increasing frequency and severity of disasters,” sabi ni DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao.
Si Assistant Secretary Dumlao ay isa sa nagsilbi bilang panelists sa side-event ng nasabing conference na “Advancing Protection of Persons in the Event of Disasters: Exploring Multi-stakeholder Perspectives, Practice Insights and Legal Frameworks.”
Aniya, bukod sa matibay na batas, binanggit din nito ang importansya ng ASEAN Agreement on Disaster Management and Emergency Response (AADMER) para sa pagbibigay ng proteksyon sa mga tao para sa pagtugon sa kalamidad partikular na sa Southeast Asian region.
Ang AADMER ay isang dokumento na niratipikahan ng lahat ng ASEAN member states na nagbibigay ng mekanismo para sa proactive regional framework para sa “cooperation, coordination, technical assistance, at resource mobilization in all aspects of disaster management.”
Layon nito na magkaroon at matiyak ang substantial reduction ng mga disaster losses sa mga ASEAN region.
Kasama ni Asst. Secretary Dumlao bilang tumayong panelists sina, Philippines Permanent Representative Carlos Sorreta; Kenya Permanent Representative Fancy Chepkemoi Too; United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR) Head of Global Risk Management and Reporting and Senior Programme Management Officer Jenty Kirsch-Wood; at International Federation of the Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) Secretary General Jagan Chapagain. Santi Celario