Home HOME BANNER STORY Maulang araw ng mga puso, asahan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

Maulang araw ng mga puso, asahan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa

217
0

MANILA, Philippines – Ayon sa PAGASA, magpapatuloy ang ulan sa ilang bahagi ng bansa dahil sa shear line, northeast monsoon, at easterlies.

Mararanasan ang maulang panahon dahil sa epekto ng shear line sa Mainland Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Quezon, Rizal, Laguna, at Camarines Norte. Magkakaroon ng makulimlim na panahon na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms.

Samantala, sa Davao Oriental, Davao Occidental, Sarangani, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi ay makakaranas ng scattered rain showers at thunderstorms dahil sa easterlies.

Magkakaroon naman ng isolated light rains sa Batanes, Babuyan Islands, Apayao, at Ilocos Norte dahil sa northeast monsoon.

Para sa Metro Manila at ibang lugar, partly cloudy hanggang cloudy ang kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms ang mararanasan.

Moderate winds at moderate seas naman sa Northern Luzon, eastern Central Luzon, Southern Luzon, at Visayas. Light to moderate winds at slight to moderate seas sa ibang bahagi ng bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here