Home ENTERTAINMENT Mavy at magulang, in-unfollow na ni Kyline!

Mavy at magulang, in-unfollow na ni Kyline!

Manila, Philippines – Mukhang tuluyan nang nalusaw ang pagiging malapit sa isa’t isa nina Kyline Alcantara at Mavy Legaspi.

Matatandaang November last year nang pumutok ang balitang nag-break na ang dalawa.

Naging palatandaan ang “parunggitan” sa pagitan ni Kyline at Carmina Villaroel, ina ng Legaspi twins.

Umugong din ang balitang si Dasuri Choi ang third party sa hiwalayan nina Kyline at Mavy.

Si Dasuri ay ang nakasamang host ng Legaspi twins sa nasibak nang Tahanang Pinakamasaya.

Dasuri, however, denied na may namagitan sa kanila ni Mavy.

As of May 21, hindi nakaligtas sa mga mapanuring netizens ang pag-unfollow ni Kyline kay Mavy.

Nauna nang in-unfollow sa Instagram ni Kyline si Cassy who were not close to each other.

Bukod kay Mavy, wala rin sa following list ni Kyline sa IG ang mga magulang ng kambal na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi.

Pero upon checking Mavy’s, Carmina’s and Zoren’s respective IG accounts ay pina-follow pa nila si Kyline.

Samantala, iniintriga si Kyline na naka-date nito kamakailan si Kobe Paras.

Marami kasi ang nakapansin na sa isang resto sila nakunan ng larawan.

Kung matatandaan, dating na-link si Kobe sa anak ni Ina Raymundo.

So, rigodon de amor ba itey? Ronnie Carrasco III