Home METRO May-ari, kontratista ng gumuhong gusali sa Angeles City, nangako ng tulong sa...

May-ari, kontratista ng gumuhong gusali sa Angeles City, nangako ng tulong sa mga biktima

32
0

PAMPANGA, Philippines – Isang linggo matapos gumuho ang itinatayong siyam na palapag na gusali sa Barangay Balibago, Angeles City, humarap sa media ang mga abogado ng may-ari at kontratista ng proyekto noong Sabado.

Ayon sa kanilang mga kinatawan, handang tumulong ang may-ari sa mga biktima at nais ding magsagawa ng independiyenteng imbestigasyon sa insidente.

“Una po naming kinausap iyon pong Office of the Mayor po. Sila po ‘yung puwedeng tumulong sa amin at ipinaliwanag din po namin kung kakailangan pong pinansyal na tulong,” ani Atty. Willie Rivera, kinatawan ng may-ari.

“Hindi po tatakbo si contractor sa mga assistance na hihingiin ng families. Ang number one priority nila ngayon ay to help the affected families,” sinabi naman ni Atty. Nicolai Manguerra, kinatawan ng kontratista.

Ayon sa mga abogado, dalawa sa mga biktima ang nakatanggap na ng pinansyal na tulong mula sa may-ari ng gusali, habang may ilan namang tumangging tanggapin ito.

Patuloy naman ang search and retrieval at clearing operations sa lugar ng pagguho. Ayon kay Mayor Carmelo Lazatin II, nasa 5% pa lamang ang clearing operation at wala pang tiyak na petsa kung kailan ito matatapos.

Sa kasalukuyan, anim na katao na ang kumpirmadong nasawi habang hindi pa rin matagpuan ang hindi bababa sa 14 na indibidwal.

Matatandaang gumuho ang siyam na palapag na gusaling itinatayo sa Barangay Balibago bago magbukang-liwayway noong Mayo 24. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here