
IPINAAABOT ng SSS o Social Security System ang panawagan sa kanilang mga retiradong pensiyonado na gamitin ang PLP o ang low-interest Pension Loan Program para sa kanilang agarang pangangailangan kaysa sa pagsanla sa mga nag-o-operate na sangla-ATM lenders.
Mag-SSS PENSION LOAN na upang tugunan ang inyong pinansyal na pangangailangan na may mababang annual interest rate na 10% at hindi na kinakailangang isangla ang inyong mga ATM bilang collateral.
Ito po ay ligtas at siguradong serbisyo para sa mga kwalipikado at retiradong pensionado na makatutugon sa mga sumusunod na kondisyon:
· Mayroong rehistradong My.SSS account at walang existing Pension Loan
· Hindi lalagpas sa 85 taong gulang sa katapusan ng loan term
· Walang kaltas sa monthly pension (SSS Calamity Loan Assistance Package)
· Regular na tumatanggap ng monthly pension at ang status nito ay Active
· May disbursement account na naka-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM)
· May updated na contact information (cellular/mobile number, email at mailing address).
Mag-submit na ng Pension Loan application sa My.SSS facility o Self-Service Express Terminals para mas mabilis na matanggap ang inyong Pension Loan proceeds. Maaari ring magpunta sa pinakamalapit na SSS branch at magdala lamang ng inyong (a) valid ID/s, at (b) proof of account.
Ang loan amount ay batay sa Basic Monthly Pension (BMP) kasama ang Php1,000 additional benefit ng pensionado na maaaring pagpilian mula sa mga sumusunod na loan amount: 3x, 6x, 9x o 12x (na hindi lalagpas sa Php200,000) na may mas mahabang repayment period mula 6, 12 or 24 months. Hindi kasama sa computation ang Dependent’s Pension. Ang loan ay matatanggap sa loob ng 3 hanggang 5 araw matapos maisumite ang application.
Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang SSS website o ang sumusunod na official social media pages ng SSS.
SSS Website: www.sss.gov.ph
Facebook: SSSPH – https://www.facebook.com/SSSPh
Twitter: PHLSSS – https://twitter.com/PHLSSS
Instagram: MYSSSPH – https://www.instagram.com/mysssph
YouTube: MySSSPhilippines – https://www.youtube.com/MySSSPhilippines
Viber: MySSSPh Updates – For our Viber Community, you may join by clicking on this link: https://vb.me/cc389b