Home OPINION SEN. HONTIVEROS SA LDES 1ST GRAND ALUMNI HOMECOMING 

SEN. HONTIVEROS SA LDES 1ST GRAND ALUMNI HOMECOMING 

SA ginanap na kauna-unahang Grand Alumni Homecoming ng Ladislao Diwa Elementary School na dating Caridad Elementary School sa Cavite City, Cavite ay naging guest speaker ang magiting at makabayang senadora ng Republika ng Pilipinas na si Hon. Ana Theresia Hontiveros o mas kilala sa tawag na Senator Risa Hontiveros.

Sinimulan sa motorcade at parade ang masayang araw para sa   alumni ng LDES noong Sabado, Mayo 11, 2024.

Sinundan naman ito nang pagdiriwang ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Hector “Vhon” Arellano na kilalang magiting at makabayang pari o lingkod ng Diyos.

Matapos ang Banal na Misa ay sinimulan na ang palatuntunan ng LDES 1st Grand Alumni Homecoming kung saan naging Guest Speaker nga si Sen. Hontiveros.

Narito ang ilan sa mensahe ng mahusay na Senadora:

“Alam n’yo po masaya po ako na bumabalik kayo sa inyong paaralan para sa homecoming ninyo. Maige nga ang nakababalik at nagbabalik-tanaw. Ito ang pagkakataon natin na balikan ang galak na dulot ng mga masasayang ala-ala pati na rin ang lungkot ng mga panahong tayo ay nadarapa. Importanteng sariwain pareho dahil sabi nga ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan.”

Dagdag pa ni Hontiveros na “Sana sa pagbabalik-tanaw natin ay mabigyan tayo ng inspirasyon para gumawa ng daan para sa higit na mas magandang bukas para sa ating lahat. Let’s learn from the past mistakes and surpass previous successes. Sama-sama, naniniwala akong kaya nating gawin ito.”

Ilan pa sa mga lingkod-bayan na nakarating sa palatuntunan ay sina dating City Councilor Dennis Bernal at Brgy. Capt. Joey Medina Nieto ng Brgy. 35 Hasa-Hasa na personal na nakapagpasalamat sa senadora sa naganap na 3 Day  Medical Mission Program na sponsor ng panauhing pandangal noong April 24 – 26, 2024.

Samantala, nandoon din sa palatuntunan ang ilan pang personalidad ng LDES na sina Dr. Roberto O. Doñes na Principal IV, OIC Mariafe B. Lucena ng SPTA at Alumni Association, Jhonaz Glen Santiago Teves na isa sa mga organizer ng event na dinaluhan ng mga alumni mula sa taong 1958 hanggang 2007.

Congratulations LDES sa inyong matagumpay na 1st Grand Alumni Homecoming. Salamat sa inyong lahat, God bless and Mabuhay kayong lahat.