Home NATIONWIDE Maynila binaha sa malakas na ulan

Maynila binaha sa malakas na ulan

Bagong Maynila FB Page

MANILA, Philippines – Nagdulot ng pagbaha ang malakas na ulan dulot ng localized thunderstorms sa ilang bahagi ng Metro Manila nitong Biyernes ng hapon.

Umabot sa hanggang tuhod na baha sa Tomas Morato Avenue sa Quezon City dahil sa malakas na ulan na nagsimula bandang alas-5 ng hapon at nagpatuloy ng 30 minuto.

Isang thunderstorm advisory, babala ng malakas na hangin at katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan, ang inilabas ng weather bureau PAGASA para sa Metro Manila at ilang mga lalawigan.

Para ngayong araw, Sabado, Mayo 18, angĀ  Batanes ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dulot ng shear line, ayon sa pagtataya ng panahon ng PAGASA.

Ang nalalabing bahagi naman ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa easterlies.

Ang mga flash flood o landslide ay maaaring mangyari dahil sa dalawang sistema ng panahon. RNT