Home METRO Mayon patuloy na naliligalig

Mayon patuloy na naliligalig

159
0

ALBAY, Philippines – Umabot sa 279 volcanic earthquakes ang naitala sa loob ng 24 oras sa Mayon Volcano, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Linggo ng umaga.

Kasabay ng mga lindol, naitala rin ang 324 rockfalls at tatlong pyroclastic density current signals. Nananatiling Alert Level 3 ang aktibidad ng bulkan.

May lava effusion na bumabagtas sa tatlong gullies: Basud (3.8 km), Bonga (3.2 km), at Mi-isi (1.3 km) na may episodic minor strombolian activity. Naobserbahan din ang 2,430 toneladang sulfur dioxide flux.

Ayon sa Phivolcs, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa loob ng anim na kilometro radius ng Permanent Danger Zone at pinapayuhan ang mga eroplano na umiwas sa paligid ng bulkan.

Posibleng panganib pa rin ang rockfalls, landslides, lava flows, lava fountaining, pyroclastic density currents, moderate-sized explosions, at lahars kapag umulan nang malakas at matagal. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here