Home METRO Guro, tricycle driver utas sa magkasunod na pamamaril sa Pangasinan, Isabela

Guro, tricycle driver utas sa magkasunod na pamamaril sa Pangasinan, Isabela

162
0

PANGASINAN, Philippines – Patay ang 53-anyos na guro na si Jun matapos pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Carmay East, Rosales, Pangasinan noong Miyerkules, Marso 11.

Ayon kay Police Capt. Eugene Romma C. Navalta, pauwi ang guro mula Santa Maria nang pagbabarilin siya. Natagpuan sa crime scene ang mga empty .45 caliber shells at slugs. Dinala siya sa ospital kung saan idineklara siyang patay.

Samantala, isang 38-anyos na tricycle driver na si Armando ay binaril sa Barangay Nungnungan 2, Cauayan City, Isabela noong Huwebes, Marso 12.

Natagpuan siyang nakahandusay na may tama ng bala sa dibdib, at limang empty shell casings at isang deformed bullet ang narekober sa lugar. Idineklara rin siyang patay sa ospital.

Patuloy ang follow-up investigation at pursuit operations sa parehong insidente. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here