Home HOME BANNER STORY Mayor ng Maguindanao Sur, ligtas sa ambush; 3 suspek, utas

Mayor ng Maguindanao Sur, ligtas sa ambush; 3 suspek, utas

307
0

MAGUINDANAO DEL SUR, Philippines – Nakaligtas si Shariff Aguak, Maguindanao del Sur Mayor Akmad Ampatuan matapos tambangan ang kanyang convoy na binubuo ng dalawang sasakyan noong Linggo ng umaga.

Dalawa sa kanyang security detail ang nasugatan.

Tatlong umano’y ambusher naman ang napatay sa isinagawang pursuit operation ng pinagsanib na puwersa ng pulis at militar.

“The mayor is safe,” ayon kay Anwar Kuit Emblawa, executive assistant ng alkalde.

Ayon kay Emblawa, sakay si Ampatuan ng kanyang bulletproof na itim na sports utility vehicle nang maganap ang pag-atake bandang alas-6:30 ng umaga sa Barangay Poblacion.

Tinamaan din ng bala ang backup vehicle ng alkalde na isang pickup.

Sinabi rin ni Emblawa na ang dalawang security escort ay nagtamo ng hindi malubhang sugat at ginagamot sa Bangsamoro Regional and Medical Center sa Datu Hoffer.

Nasa loob umano ng isang puting minivan ang mga suspek nang isagawa ang ambush.

Nakarekober ang pulisya ng mga high-powered firearms mula sa sasakyan.

Ito na ang ikatlong beses na nakaligtas si Ampatuan sa tangkang pagpatay sa loob ng limang taon. Hindi pa batid ang motibo ng pinakahuling pag-atake sa ngayon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here