Home NATIONWIDE Pagpapatigil sa mga ilegal terminal, hihigpitan ng LTFRB

Pagpapatigil sa mga ilegal terminal, hihigpitan ng LTFRB

178
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong Linggo na paiigtingin nito ang operasyon laban sa mga ilegal na pampublikong terminal dahil sa panganib sa kaligtasan ng mga pasahero.

Bahagi ng hakbang ang pagdeploy ng mga “mystery passengers” para magsagawa ng pagmamanman.

Ayon sa LTFRB, hindi sumusunod sa pamantayan ng ahensya ang mga ilegal na terminal at karaniwang matatagpuan sa mga “unsafe areas” na may “substandard” na pasilidad at kulang sa proteksyon laban sa masamang panahon.

Wala rin umano ang mga ito ng malinis at maayos na comfort rooms, at kulang sa pasilidad para sa mga buntis, bata, persons with disabilities, at senior citizens.

Dagdag pa ng ahensya, nagsisilbi ring “home” ng mga colorum vehicle ang mga ilegal na terminal at isa ring “major source of corruption on the ground.”

Binalaan ng LTFRB na walang insurance ang mga colorum vehicle, kaya’t ang mga pasahero ang magbabayad ng gastusing medikal at libing sakaling maaksidente.

“For a very long time, the welfare of our commuters has been ignored. This must stop, and right now, we are initiating aggressive reform programs that will focus on the safety and welfare of the Filipino commuters,” ayon kay LTFRB chief Vigor Mendoza II.

Upang matukoy ang lahat ng ilegal na terminal, lalo na sa Metro Manila at iba pang urban areas, magpapadala ang LTFRB ng mga “mystery passengers” para sa aktuwal na pagmamanman.

Nilinaw ni Mendoza na hindi lamang mga “roadside” o pansamantalang terminal ang tututukan kundi pati ang mga ilegal na terminal sa loob ng mga mall at iba pang establisimyento.

“Our operation will not stop in removing all these illegal terminals; our operation will include investigation to hold accountable all those responsible for the maintenance and supervision of illegal terminals,” dagdag niya.

Nagbabala rin ang LTFRB na ang mga terminal na nagpapahintulot sa operasyon ng colorum vehicles ay “will not be accredited and their officials would be sued criminally.”

Hinimok din ang mga driver ng public utility vehicles na gumamit lamang ng mga terminal na akreditado ng LTFRB, dahil maaaring masuspinde o mabawi ang kanilang prangkisa kung susuporta sila sa mga ilegal na terminal.

Inatasan din ang lahat ng regional directors ng LTFRB na magsagawa ng random at biglaang inspeksyon sa mga bus station at pampublikong terminal sa kanilang nasasakupan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here