Home METRO Mayor Tiangco nakidalamhati sa pagpanaw ng 17-anyos na biktima ng ‘mistaken identity’

Mayor Tiangco nakidalamhati sa pagpanaw ng 17-anyos na biktima ng ‘mistaken identity’

MANILA, Philippines- Lubos na ikinalungkot ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang maling pagkamatay ng isang 17-anyos na Navoteño na binaril ng mga miyembro ng Navotas Police dahil sa mistaken identity.

Bago mangyari ang naganap na pamamaril sa biktima na si Jemboy Baltazar 17-anyos noong madaling araw nang Agosto 2 ay mayroong naganap na pamamaril sa Barangay North Bay Boulevard South (NBBS)-Kaunlaran na diumano’y dahil sa onsehan sa iligal na droga.

Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang Navotas Police at nadakip ang isa sa dalawang salarin subalit nakatakas ang mismong bumaril sa biktima hanggang sa makatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nasa tabing ilog ng Babanse St., NBBS ang isa pang suspek.

Base kay P/Col. Allan Umipig, agad na nagtungo sa nasabing lugar ang mga pulis at nang makita ng dalawa ang mga operatiba, tumalon sa bangka ang binatilyo at dito na siya pinaputukan ng mga pulis na tumama sa ulo na tumagos sa kanyang ilong.

Aminado si P/Col. Umipig na may pagkakamali ang kanyang mga tauhan sa pagsasagawa ng operasyon na naging dahilan ng pagkamatay ng binatilyo habang nadakip naman ang suspek na hindi umalis sa sinakyang bangka.

“We at the city government extend our sincerest condolences to the family of the victim and vow to give them the assistance they need,” ani Tiangco.

“Protocols for apprehension of suspects are in place, as P/Col. Allan Umipig also pointed out. These should have been followed at all times,” paliwanag ni Tiangco.

“The officials are now facing criminal and administrative charges. We owe it to the victim and his family to give them the speedy justice they deserve,” dagdag pa ng alkalde. R.A Marquez