Home ENTERTAINMENT Mccoy de Leon, relate kay Josh, may utol na autistic din!

Mccoy de Leon, relate kay Josh, may utol na autistic din!

1
0

Manila, Philippines – Pinagsabihan din ni McCoy de Leon ang mga bumubuo ng Machong Chismisan na nanghamak kay Josh Aquino.

Relate much ang aktor dahil may kapatid din daw siyang nasa autism spectrum, si Marcus.

Ayon kay McCoy, hindi dapat ginagawang katatawanan o kutyain ang mga PWD, lalo na ang mga batang walang kakayahang lumaban.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ni McCoy ang photo nila ni Marcus–who describes himself as a “proud brother of a very loving, kind-hearted and always smiling Kuya Marcus.”

Inamin ng aktor na sa tuwing nakakarinig daw siya ng mga biro tungkol sa mga taong nasa autism spectrum ay tumatahimik lang siya.

Pero ngayon daw ay hindi na.

Hindi daw dapat hinahayaan ang mga ganitong biro as doing so normalizes making fun of those who are autistic.

Maling ginagawang content daw ‘yon for the sake of entertainment.

Kinailangan daw magsalita ni McCoy para protektahan ang kanyang pamilya.

He cites his brother Marcus’ important role in their family–tulad ng kakayahang msgbigay ng napakalalim na pagmamahal sa mga taong nakapaligid sa kanila.

Ani McCoy: “Sa totoo lang po, they give more than we can ever imagine, even more than what we expect from any family member.”

Tinuruan daw sila ni Marcus na maging mapagpasensya, maunawain at magmahal nang walang kundisyon.

Sa huli, ani McCoy: “I love you, Kuya Marcus. Kuya will protect you kahit buhay ko pa ang kapalit!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here