Home NATIONWIDE MDA flight ng PCG umarangkada

MDA flight ng PCG umarangkada

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng sariling maritime domain awareness (MDA) flight ang Philippine Coast Guard (PCG) noong Sabado sa mga lugar ng West Philippine Sea, tulad ng patuloy nitong paggiit ng soberanya ng bansa laban sa mga barko ng China Coast Guard.

Sinabi ni Commodore Jay Tarriela, tagapagsalita ng PCG sa West Philippine Sea, na ang MDA flight ay iniutos ni PCG Commandant Ronnie Gil Gavan ilang araw kasunod ng mapanganib na maniobra ng isang Chinese helicopter sa isang eroplano ng Bureau of Fisheries and Resources sa paligid ng Panatag Shoal (Scarborough Shoal).

Sa ngayon, sinabi ni Tarriela na binabantayan ang galaw ng China Coast Guard vessel 5303, sa layong 80 nautical miles sa karagatan ng Bolinao ,Pangasinan.

Bukod sa CCG vessel 5303, binabantayan din ng PCG ang dalawang Chinese vessels sa baybayin ng Zambales– ang CCG vessels 3301 at 3105.

Ito ang nag-udyok sa PCG na mag-deploy ng apat na PCG vessels sa baybayin ng Pangasinan at Zambales – BRP Teresa Magbanua, BRP Bagacay, at BRP Cabra.

Nauna nang sinabi ni Tarriela sa mga mamamahayag na ang insidente noong Martes ay ang unang pagkakataon na gumamit ng helicopter ng People’s Liberation Army Navy laban sa isang patrol plane ng Pilipinas sa ganoong paraan. Jocelyn Tabangcura-Domenden