Home NATIONWIDE Medalya o kampeonato, walang saysay kapalit ng buhay ng atleta – Pangilinan

Medalya o kampeonato, walang saysay kapalit ng buhay ng atleta – Pangilinan

1
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Francis “Kiko” Pangilinan na bigyan ng mas malakas na proteksiyon ang lahat ng student-athletes kasunod ng pagkalunod nina Rene Baterbonia at Divine Adilli sa ginanap na off-campus training activity ng Ateneo de Manila University (AdMU) sa Aurora.

Bilang player sa UAAP noon bilang varsity athlete sa kolehiyo, sinabi ni Pangilinan na masyadong tumagos ang insidente sa ating kamalayan saka binanggit ang matagal nang pangamba hinggil sa kaligtasan ng atleta, pangangalaga sa tungkulin, maiwasan at pananagutan ng institusiyon.

Bilang tugon sa ganitong alalahanin, naghain si Pangilinan nitong Lunes ng Senate Bill No, 2268 o ang   Student-Athlete Safety, Welfare, and Protection Act, upang punan ang malaking puwang nananatili sa proteksiyon ng atletang estudyante partikular sa mapapanganib na sports at aktibidad.

Aniya, kapos ang umiiral na batas sa pinakamababang pamantayan sa kaligtasan, pangangailangan sa paghahanda sakaling magkaroon ng kagipitan, malinaw na protocok sa pag-uulat ng seryosong Insidente at panggagamot ng sugat kabilang ang sapat na kaligtasan ng estudyanteng atleta na nag-uulat o nagrereklamo sa di ligtas na kondisyon at maling pag-uugali.

“While investigations are still ongoing to determine the facts, this heartbreaking incident reminds us that protecting student-athletes cannot be an afterthought. Every school and athletic institution has a duty of care. That is the principle behind our bill—to ensure that no young athlete is left without the safeguards, support, and protection they deserve,” ani Pangilinan sid.

Layunin ng panukala na lumikha ng kumprehensibong  Bill of Rights for student-athletes, na naggagarantiya sa kanilang karapatan sa kaligtasan, kalusugan, dignidad at edukasyon.

“It mandates access to safe training environments, medical care, mental health support, protection from hazing, abuse, and retaliation, as well as the right to report unsafe conditions, receive academic accommodations during injury and recovery, and be fully informed of the risks and safety measures associated with school-sanctioned athletic activities,” ayon sa panukala.

Binanggit ng senador na dapat tapatan ang pagpupunyagi ng atleta ng makabuluhang kaligtasan at proteksiyon sa lahat ng pagkakataon.

“Athletes are not robots built to endure everything. They are young people entrusted to our care, and protecting them should be non-negotiable,” ni Pangilinan.

Sinabi ni Pangilinan na nagsisilbing mapait na paaalala ang trahedya sa matagal nang  pangamba hinggil sa kaligtasan at kagalingan ng estudyanteng atleta.

Giit ng senador “While schools strive for excellence in sports, excellence must never come at the expense of safety—that athletic excellence requires athlete protection.”

“Sa likod ng bawat medalya, rekord, at kampeonato ay isang kabataang may pangarap. Hindi sila mga makina. Hindi sila expendable. Mga tao silang ipinagkatiwala sa ating pangangalaga,” ani Pangilinan.

“Anong saysay ng tagumpay kung makakamit ito kapalit ng kaligtasan ng ating mga atleta? Walang medalya, tropeo, o kampeonato ang hihigit sa isang buhay. Dapat laging mauna ang kapakanan, kalusugan, at kaligtasan ng ating mga student-athlete,” paliwanag ng senador.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here