Home NATIONWIDE Mega river, coastal dikes makatutulong sa paghupa ng baha sa Bulacan –...

Mega river, coastal dikes makatutulong sa paghupa ng baha sa Bulacan – DPWH

1
0

MANILA, Philippines – Patuloy na nagdurusa ang mga bayan sa Bulacan na binabaha dahil sa palpak at multibilyon-pisong flood control projects na ilan ay hindi pa nga naitayo.

Nitong Sabado, Agosto 22, ay sinilip nina DPWH Secretary Vince Dizon at Cabinet Secretary Benhur Abalos ang ilang substandard na flood control projects sa Hagonoy at Paombong na may mga proyekto pang hindi umiiral.

Ayon kay Dizon, parte ng dahilan ng pagbaha ay ang lokasyon ng Bulacan. Napapaligiran ito ng mga katubigan gaya ng Pampanga River at Manila Bay kaya madaling bahain.

Sa mga nasirang palpak na proyekto, sasagot ang mga kontraktor sa pagpapagawa dahil sakop pa ng warranty. Pero kailangan pa ng dagdag na pondo ng DPWH para sa concrete hexapods para humina ang alon.

Ilan naman sa long term na plano ng gobyerno ang Pampanga River Basin Master Plan; Megadike para protektahan ang Bulacan mula sa tubig ng Ilog Pampanga; Manila Bay Coastal Defense Dike Project at tatakbo ito mula Metro Manila, Bulacan, Pampanga hanggang Bataan. Tutulong magpondo ang Asian Development Bank para rito.

Paalala ni Secretary Dizon hindi ito agarang solusyon at walang tiyak na timeline kung kailan matitigil ang pagbaha sa Bulacan at Pampanga.

Hindi rin matatapos ang pag-aayos ng mga flood control project sa loob ng administrasyon ni Marcos dahil zero ang budget para sa flood control ngayong taon.

Pero iiwan ng gobyerno sa susunod na administrasyon ang isang flood control plan na may “multi-year appropriation.”

Pag-aaralan din ng mga eksperto at DPWH engineers ang lugar sa Hagonoy sa susunod na linggo para magplano ng maayos na dike. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here