MANILA, Philippines – Tumaas ang lebel ng tubig sa Angat Dam, Pantabangan Dam at tatlo iba pang water reservoir sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa PAGASA, ang Angat Dam ang nakapagtala ng pinakamalaking pagtaas sa lebel ng tubig sa 0.63 metro, na nagtulak sa 191.10 metro nitong Linggo mula sa 190.47 metro sa nakalipas na araw.
Nakapagtala rin ng pagtaas sa lebel ng tubig ang Ipo Dam ng 0.32 metro, Ambuklao Dam sa Bokod, Benguet sa 0.11 metro, Pantabangan Dam sa Pantabangan, Nueva Ecija sa 0.45 metro, at Caliraya Dam sa Lumban, Laguna sa 0.08 metro.
Ang mga pagtaas ay dahil sa malalakas na ulan dulot ng Habagat.
Samantala, nakapagtala naman ng bahagyang pagbaba sa lebel ng tubig ang La Mesa Dam sa Quezon City na bumaba ng 0.06 metro, Binga Dam sa Itogon, Benguet sa 0.23 metro, San Roque Dam sa San Manuel, Pangasinan sa 0.27 metro, at Magat Dam sa Ramon, Isabela sa 0.13 metro sa kaparehong panahon. RNT/JGC