Home ENTERTAINMENT Melissa, finlex ang stretch marks!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Melissa, finlex ang stretch marks!January 28, 2025 13:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sa halip na itago at ikahiya, proud pa si Melissa Mendez na ibuyangyang ang kanyang katawan.Sa kanyang Instagram page, makikitang naka-bra top pero labas ang lower half ng aktres.Kita ang upper half ng kanyang katawan.Nilakipan ng 60 anyos na aktres ng caption ito ng: “My body. Reality. Unfiltered.”Kapansin-pansin ang tila mga kulubot na balat niya sa bandang tiyan.Yet nakangiti pang nag-selfie si Melissa.Ipinaliwanag niya na: “My body is not perfect. It’s flawed. It has stretch marks and it’s sagging but I’m proud of it!”‘Yung lagay na ‘yon ay dumaan na sa makatlong beses na panganganak.“Three beautiful children who are all adults,” aniya.Dumaan na rin daw sa menopause ang kanyang pangangatawan.Her sagging skin may well be explained in her weight loss.Gayunpaman, umani ng mga papuri ang larawang ‘yon ni Melissa.Proud pa kasi itong ibinilad ang itsura ng kanyang katawan nang hindi ito ikinahihiya.Magsisilbi nga namang inspirasyon ‘yon sa mga kababaihan her age to embrace their body imperfections and still hold their head up high.Sa pag-amin ni Melissa na unfiltered ang larawang ‘yon, it means na hindi photoshopped o dinoktor ‘yon.Ewan nga lang kung anong paraan ang gagawin ni Melissa to address ‘yung lumalaylay niyang balat sa bandang tiyan. Ronnie Carrasco III