Home HOME BANNER STORY Mensahe ni PBBM sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan!

Mensahe ni PBBM sa pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan!

MANILA, Philippines – MAKIKITA sa bawat Filipino ang tunay na diwa ng kalayaan na patas na nakikipaglaban araw-araw.

Sa naging mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagdiriwang ng ika-126 taon ng Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas, humugot ang Pangulo ng inspirasyon mula sa araw-araw na pakikibaka ng mga ordinaryong mamamayan na napagtagumpayan ang mga hamon sa pamamagitan ng pagsisikap, lakas ng loob at katapangan.

Pinuri naman ng Pangulo ang kahanga-hangang katangian ng bawat freedom-loving Filipino, halimbawa niya rito ang mga magsasaka, mangingisda, guro at sundalo ng bansa na ang ‘laban’ ay katulad sa kanilang mga ninuno.

“While the times may be different our struggles remain the same. Still we continue to witness the true spirit of freedom in every Filipino who fights fairly in their day-to-day lives,” ayon kay Pangulong Marcos.

“We see it in the resilience of our farmers and fisherfolks as they provide us sustenance. We see it in the dedication of our teachers as they nurture the minds of the future generation. We see it in the tenacity of our soldiers as they protect every inch of our territory, adamant as they are in the certainty that Filipinos do not, and shall never, succumb to oppression,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, tiniyak naman ni Pangulong Marcos na kaisa siya ng mga filipino sa paggunita sa ika- 126 taong anibersaryo ng proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.

“On that glorious day in Kawit, Cavite 126 years ago, the triumphant tunes of our national anthem echoed throughout the jubilant air as our flag freely waved for the first time,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“It heralded the birth of the Philippines and declared to the world the untiring resolve of the Filipinos to chart their own destiny as a sovereign nation,” ang winika ng Pangulo.

Pinuri naman ng Pangulo ang “strong sense of nationalism” ng mga Filipino at ang kanilang paninindigan na magkaisa para protektahan ang kalayaan na ipinasa sa kanila ng kanilang mga ninuno.

“A century and a quarter have passed since we unshackled the chains of subjugation yet the fervor of nationalism persistently burns brightly in each of us today. We stand united as ever, upholding with pride the hard-earned liberty bequeathed to us by our forebears,” ayon sa Pangulo.

Gayunman, hinikayat ni Pangulong Marcos ang mga Filipino na maging dedikado sa hinahangad na ‘Bagong Pilipinas’ kung saan sila magkakaroon ng mas maliwanag na kinabukasan.

“As we celebrate the founding of our nation today, let us dedicate ourselves to the challenging but rewarding task of realizing the full potential of the Filipinos and building a Bagong Pilipinas—one that truly embodies the ideals of a just, progressive, and independent Republic,” ayon kay Pangulong Marcos. Kris Jose