Home SPORTS Mepranum tigok kay Ancajas

Mepranum tigok kay Ancajas

MANILA, Philippines- Tinapos ni dating world champion Jerwin “Pretty Boy” Ancajas ng Panabo City si Richie “Magnum” Mepranum ng Sarangani sa loob ng 2nd round para makuha ang bakanteng Philippine super bantamweight title noong Sabado ng gabi sa Public Plaza sa Iligan City.

Pinabagsak ng 33-anyos na si Ancajas si Mepranum matapos maghatid ng ilang maiikling suntok sa katawan sa ikalawang round.

Hindi na nakatayo si Meprarum pagkatapos ng mandatory count ni referee Delbert Pelegrino.

Napaangat ni Ancajas ang kanyang rekord sa 36 na panalo na may 24 na knockout, apat na talo at dalawang tabla habang si Mepranum, 37, ay nakaranas ng kanyang ika-10 pagkatalo laban sa 38 panalo at isang tabla.

Sa ibang laban, nagwagi rin si Samuel “Silent Assassin” Salva ng Gingoog City sa pamamagitan ng 2nd round technical knockout laban kay Eldin Guinahon ng Misamis Oriental sa main undercard.

Sa nag-iisang babaeng laban, tinalo ng pambato ng Iligan na si Theresa Pinili si Charimae Salvador sa pamamagitan ng unanimous decision sa 8-rounds.JC