Home NATIONWIDE 80% average voter turnout naitala ng Comelec sa mock elections

80% average voter turnout naitala ng Comelec sa mock elections

Ipinapasok ng botante ang balota sa vote counting machine (VCM) sa Pasong Tamo Elementary School sa Quezon City para sa barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Lunes. Isa ang Barangay Pasong Tamo sa Quezon City sa tatlong barangay kung saan umiiral ang pilot testing ng Automated Elections System (AES) para sa BSKE. Danny Querubin

MANILA, Philippines – Iniulat ng Commission on Elections (comelec) ang 80% average voter turnout sa mock electons na isinagawa sa 15 lugar sa buong bansa nitong Sabado, Enero 25.

Ayon kay Comelec spokepserson Atty,John Rex laudiangco, habang ang ilang lugar ay nag-ulat ng turnout na luamgpas sa 70%, ang overall average ay 80%.

Nakapagtala ang Region 13 o Caraga region ng pinakamataas na turnout na nasa 95%, habang ang Region 8 o Eastern Visayas ay nagtala ng pinakamababang turnout na mayroon lamang 46%.

Paliwanag ni Laudiangco, ang pagsasagawa ng mock elections sa ilang lugar ay intentional o sadya upang masubukan ang mga hamon o mga paghihirap na dinaranas ng Comelec at mga botante.

Samantala, sa kabila ng ilang logistic issues, binanggit ni Laudiangco ang matagumpay na paggamit ng teknolohiya.

Layon ng Comelec para sa canvassing at transmission ng resulta na makumpleto sa loob ng 30 minuto sa panahon ng aktwal na botohan.

Nasa 110,000 automated counting machines ang nirentahan ng Comelec ngunit 93,000 lamang ang inaasahanf magagamit, kaya may mga matitira pang backup machines. Jocelyn Tabangcura-Domenden