MANILA, Philippines – SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na ang lahat ng malilikom mula sa Open Government Partnership (OGP) Fun Run 2025 ay gagamitin para pondohan ang mga humanitarian program ng Philippine Red Cross (PRC).
Ang OGP Fun Run 2025, gaganapin sa Quirino Grandstand sa Maynila, araw ng Linggo, Enero 26 ay prelude o introduction sa OGP Asia and the Pacific Regional Meeting (APRM) sa buwan ng Pebrero.
Ang APRM, isang mataas na antas ng pagtitipon ay naglalayon na pagyamanin ang ‘open governance’ sa pamamagitan ng pagsama-samahin ang mga government entity, pribadong sektor at civil society, idaraos sa Maynila mula Pebrero 5 hanggang 7.
Layon ng fun run na i-promote ang kalusugan at kagalingan, at maipanalo ang kahalagahan ng open government.
Kasama ng DBM ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at PRC para simulan ang kauna-unahang OGP Fun Run.
Sa kabilang dako, sinabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang kabuluhan ng kahalagahan ng OGP para mapagtanto ang pananaw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang Bagong Pilipinas (New Philippines).
“These principles are foundational to the OGP and closely align with PBBM’s governance agenda. This is about stepping forward with conviction, advancing transparency, and participation in governance,” ayon sa Kalihim.
Pinasalamatan naman ni PRC chairperson Richard Gordon si Pangandaman para pangunahan ang event at pagsuporta sa life-saving causes ng organisasyon.
Sinabi naman ni PRC secretary general, Dr. Gwendolyn Pang na ang commitment ng DBM na mag-donate ng proceeds para sa humanitarian programs ng organisasyon ay mapakikinabangan ng mas maraming ‘vulnerable communities’ sa bansa.
Samantala, sinabi naman ni MMDA chairperson Romando Artes na ang fun run ay magsisilbi bilang avenue para sa publiko upang magtipon at magpakita ng suporta para sa inisyatiba na magpapaigting sa ‘accountability at transparency’ ng bansa, at maging ang partisipasyon at pagkakaisa na isulong ang social reforms.
Ang first-of-its-kind community running event ay nag-aalok ng tatlong race distances na may kaakibat na registration fees – 3km (P700), 5km (P800), at 10 km (P1,000).
Magsisimula ang event ng alas- 4 ng madaling-araw na may warm-up activities bago pa ang simula ng fun run.
Kasama rin ng DBM sa event na ito ang San Miguel Corp., Philippine Charity Sweepstakes Office, Philippine Amusement and Gaming Corp., Metro Pacific Tollways Corp., Systems Technology Institute, Philippine Airlines, Coca-Cola, Bingo Plus, Pocari Sweat, Maynilad, at Pinoy Fitness. Kris Jose