Home NATIONWIDE Meralco may tapyas-singil sa kuryente sa Hunyo 2025

Meralco may tapyas-singil sa kuryente sa Hunyo 2025

MANILA, Philippines – Magbababa ng ₱0.11 kada kilowatt-hour ang Meralco sa singil sa kuryente ngayong Hunyo 2025 dahil sa mas mababang generation charge, kahit na bahagyang tumaas ang transmission charge.

Ito na ang ikalawang sunod na buwang may bawas-singil.

Maaaring makatipid ng ₱22 ang karaniwang pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh.

Ang pagbaba ay dahil sa mas murang singil mula sa PSAs, IPPs, at WESM.

Paalala rin ng Meralco na maaaring mag-apply ang mga kwalipikadong customer para sa lifeline rate program at senior citizen discount upang makakuha ng dagdag na diskwento. RNT