Home HOME BANNER STORY Metro-wide clearing ops vs pagbaha, ikakasa sa buong bansa

Metro-wide clearing ops vs pagbaha, ikakasa sa buong bansa

311
0

MANILA, Philippines – IKAKASA ng gobyernong Marcos ang Metro-wide clearing ops na ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcs Jr., na naglalayong pananatilihin ang year-round at palalawakin sa buong bansa.

Tinawag na “Oplan Kontra Baha,” bitbit ng inisyatiba kasama ang national agencies, local government units (LGUs), at private sector partners na gawing maaliwalas at malinis ang mga ilog, creeks, at drainage systems sa Metro Manila — mga lugar na matagal ng barado dahil sa basura at debris na nagpalala sa pagbaha sa panahon ng bagyo.

“We will continue to do this, first part of the Oplan, until June to July of next year. Even after those nine months, patuloy lang. Regular na ang paglinis. Hindi natin pwedeng tigilan ito,” ayon kay Pangulong Marcos matapos pangasiwaan ang clearing operations sa Balihatar Creek sa Parañaque City.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at partner LGUs ang mangangasiwa sa operasyon na sakop ang 142.4 km. ng mga ilog, creeks, at mga estero, at 333.15 km. ng drainage systems sa buong capital region.

Winika pa ng Pangulo na isinama ng DPWH ang Oplan sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) nito upang matiyak na ang pagiging maaliwalas ng mga daluyan ng tubig ay maging permanente,’ all-year-round program.’

Sabay-sabay na isasagawa ang mga paglilinis sa Valenzuela, Tondo, San Juan, at Las Piñas, binigyang diin ang panawagan ng Pangulo na pangangailangan para sa “whole-of-government and whole-of-nation cooperation.”

Sa kabilang dako, kasama sa naturang inisyatiba sina DPWH Secretary Vince Dizon, Transportation Secretary Giovanni Lopez, MMDA Chairperson Romando Artes, at business leaders Ramon S. Ang of San Miguel Corp. at Manuel V. Pangilinan ng Metro Pacific Investments Corp. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here