Home TOP STORIES Micesa 8, pinaigting suporta sa PCSO

Micesa 8, pinaigting suporta sa PCSO

283
0

MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng mga ahente ng Micesa 8 Gaming Inc., ang pangakong itaguyod ang integridad, transparency, at accountability sa mga operasyon nito bilang awtorisadong STL operator ng Quezon City, sa ginanap na pulong sa Camp Karingal, Quezon City, na dinaluhan ng mga opisyal mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), mga miyembro ng Quezon City Police District (QCPD).

Ang Micesa 8 Gaming Inc. ay isang korporasyong pag-aari ng karamihan ng mga Pilipino, na pinamumunuan ni President Carlos De Guzman Montemayor at Chief Operating Officer Vernice Guenivir Mariano, at Corporate Treasurer at Director Irene Bigornia Montemayor kung saan siya ang namamahala para sa mayoryang interes para sa kompanya. Sama-sama din silang naging instrumento sa pagtatatag ng pundasyon ng Micesa 8 bilang isang sumusunod, nakatuon sa komunidad, at lokal na pinamamahalaan na operator ng STL alinsunod sa mandato ng PCSO.

Sa pulong, inanunsyo ng mga opisyal ng kompanya ang pagbabago sa pamumuno upang lalong patatagin ang pamamahala at tiyakin ang episiyenteng koordinasyon kabilang ahensya ng regulasyon at pagpapatupad.

Epektibo noong Nobyembre 3, 2025, itinalaga ng Board of Directors si Ms. Irene Bigornia Montemayor, bilang Acting Corporate Secretary (Interim), kapalit ni Atty. Krystyna Nicole de Lara Feliciano. Ang pagtatalaga ay suportado naman ng board resolution na pirmado nina Pres. Montemayor at COO Mariano, at Corporate Treasurer at Director Bigornia Montemayor. Ang aprubadong resolusyon ng Board of Directors noong Nobyembre 3, ay ipinadala naman sa PCSO upang kilalanin.

Kasunod ng pagbabago, nilinaw ng kumpanya na habang si Atty. Feliciano ang ananatiling shareholder, hindi na siya humahawak ng anumang posisyon sa korporasyon at hindi awtorisado na kumatawan o makipagtransaksyon sa ngalan ng Micesa 8 Gaming Inc. sa anumang kapasidad.

“Micesa 8 is committed to maintaining the highest standards of accountability and public trust. This leadership enhancement will allow us to serve the people of Quezon City more effectively and in full alignment with PCSO’s mission” pahayag ng pangulong si Carlos De Guzman Montemayor.

Mula nang opisyal na magsimula ng mga operasyon noong Oktubre 2025 sa ilalim ng awtorisasyon ng PCSO, ang Micesa 8 Gaming Inc. ay nakipagtulungan sa mga local authorities, pulisya, at mga stakeholder ng komunidad upang matiyak ang ayon sa batas at malinaw na mga aktibidad ng STL sa buong Quezon City.

“Our partnership with PCSO and QCPD ensures that our operations remain fair, transparent, and supportive of charitable causes.We are here to set the standard for responsible and community-driven gaming,” dagdag naman ni COO Vernice Guenivir Mariano.

Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here