MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Foreign Affairs na handa itong suportahan ang mga ahensya na nag-iimbestiga sa ilang Chinese nationals na naaresto dahil sa umano’y espionage activities.
Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na handang tumulong ang departamento sa Department of Justice at sa Armed Forces of the Philippines “in whatever way we can”.
Kabilang umano ang DFA sa mga ahensyang may kinalaman sa national security at ang isyu ng hinihinalang pag-espiya sa bansa ay dapat seryosohin.
“But at the same time, I know that the Department of Justice saka ‘yung NBI saka ‘yung AFP are looking into this.”
Nadakip ng National Bureau of Investigation ang limang Chinese nationals sa Palawan at Manila nitong linggo dahil sa umano’y espionage activities.
Binanggit ng mga awtoridad na sinisilip nila kung may kinalaman ang nadakip na Chinese nationals kay Deng Yuanqing na nauna nang naaresto kasama ang dalawa pang Pilipino dahil sa hinihinalang pag-espiya.
Itinanggi naman ng asawa ni Yuanqing ang mga akusasyon. RNT/SA