Home NATIONWIDE Mga barangay pwedeng magdaos ng mga palaro kahit walang permit – SC

Mga barangay pwedeng magdaos ng mga palaro kahit walang permit – SC

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Supreme Court (SC) ang tatlong barangay sa Baguio City na magpalaro ng bingo para sa fundraising kahit walang kaukulang permit.

Sinabi ni SC spokesperson Atty. Camille Ting na ang Barangay Trancoville, Military Cut-Off, at Outlook Drive ay maaaring magpa-bingo kahit walang permit mula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) o kahit saang national o local government office.

Sa botong 11-4, sinabi ng SC na may local autonomy ang mga barangay sa ilalim ng Saligang Batas kaya maaari silang magdaos ng mga aktibidad para sa komunidad gaya ng paglikom mg pondo hanggat ang mga ito ay naaayon sa batas.

“Republic Act No. 9487 or the PAGCOR’s Charter, states that games managed by local government units are not covered by PAGCOR’s rules.” TERESA TAVARES