Home METRO Malaking sunog sa residential area sa Tondo, naapula na

Malaking sunog sa residential area sa Tondo, naapula na

MANILA, Philippines – Tumagal nang siyam na oras ang sunog na tumupok sa residential area sa Tondo, Manila ngayong Miyerkules, Abril 23.

Sa update ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), tinupok ng sunog ang JV Pas Compound sa Barangay 123, Tondo, Manila.

Umakyat ang sunog sa ikalimang alarma 2:23 ng madaling araw at idineklarang fire-out Miyerkules ganap na alas-11:05 ng umaga.

Nagsimula ang sunog 1:55 ng madaling araw habang mahimbing nang natutulog ang mga residente.

Kaugnay ng insidente, limitado naman sa pagbibigay ng detalye ang BFP-NCR at wala pang inilalabas na bagong update kung ano ang naging sanhi ng sunog.

Wala ring ibinigay na estimated damage at bilang ng mga apektadong pamilya o indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden