MANILA, Philippines – Kinasuhan ng Supreme Court (SC) si retired Court of Appeals Justice Isaias Dicdican kaugnay sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay kay Atty. Joey Luis Wee noong Nobyembre 2020 sa Cebu City.
Isinampa na sa Cebu City Prosecution Office ang kasong gross misconduct laban kay Dicdican.
Sa memorandum ni SC Court Administrator Raul Villanueva, ang kaso ay inendorso na ng NBI sa Cebu City Prosecution Office.
Si Dicdican ay dating Chairman ng 19th Division ng Court of Appeals na nakabase sa Cebu City.
Si Wee ay binaril at napatay noong 2020 sa ground gloor ng gusali kung saan siya may law office. TERESA TAVARES