Home HOME BANNER STORY Mga biyahero, pinaalalahanang maging ‘SMART Passenger’

Mga biyahero, pinaalalahanang maging ‘SMART Passenger’

3
0

MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ng mga awtoridad ang mga pasaherong bibiyahe sa dagat ngayong bakasyon na maging “SMART Passenger” upang matiyak ang ligtas at maayos na paglalakbay.

Narito ang kahulugan ng SMART:

S – Siguraduhing nasa manifest

Bago sumakay, tiyaking nakalista ang pangalan sa passenger manifest. Mahalaga ito upang malaman ang eksaktong bilang ng mga sakay, maiwasan ang overloading at makatulong sa pagkilala sa mga pasahero sakaling magkaroon ng emergency.

M – Maging mapagmatyag sa kaligtasan

Alamin ang lokasyon ng life jackets at emergency exits. Iwasang magsiksikan sa isang bahagi ng barko, huwag harangan ang mga daanan at manatili sa designated seats.

A – Alamin at sundin ang mga paalala

Makinig sa safety briefing at huwag mag-atubiling humingi ng tulong sa crew, lalo na kung buntis, senior citizen o person with disability (PWD).

R – Responsableng kumilos habang nasa biyahe

Bawal magdala ng patalim, matutulis na bagay, flammable materials at paputok. Ipinagbabawal din ang pag-inom ng alak, paninigarilyo at paggamit ng “octopus connection” o pagsaksak ng maraming devices sa iisang extension cord.

Dapat ding agad ipagbigay-alam sa crew ang anumang aberya o kahina-hinalang bagahe.

T – Tumulong sa pagpapanatili ng kaligtasan

Sa oras ng emergency, manatiling kalmado, makinig sa crew at sundin ang mga safety procedure. Tumulong lamang sa kapwa kung ligtas itong gawin.

Paalala ng ahensya, shared responsibility ang kaligtasan sa bawat biyahe kaya mahalagang maging alerto, disiplinado at handa sa anumang sitwasyon.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here