Home NATIONWIDE Mga delegado nag-walkout habang ipinagtanggol ni Netanyahu ang Israel sa UN

Mga delegado nag-walkout habang ipinagtanggol ni Netanyahu ang Israel sa UN

2
0

UNITED NATIONS — Dose-dosenang delegado ang lumabas ng bulwagan bilang protesta habang nagsisimula ang talumpati ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa 81st United Nations General Assembly sa New York nitong Huwebes, Setyembre 24.

Tinawag ni Netanyahu na “moral cowards” ang mga delegadong nag-walkout habang ipinagtanggol niya ang mga aksyon ng Israel sa Gaza at iba pang bahagi ng rehiyon.

Mariin din niyang itinanggi ang alegasyon na nagsasagawa ang Israel ng genocide laban sa mga Palestinian. Binatikos din niya si New York Mayor Zohran Mamdani at ilang European leaders na kritikal sa kanyang gobyerno.

Nahaharap si Netanyahu sa arrest warrant ng International Criminal Court kaugnay ng mga alegasyon ng war crimes at crimes against humanity. Itinatanggi ng Israel ang mga paratang at kinukuwestiyon nito ang hurisdiksyon ng ICC.

Sa kanyang halos 40 minutong talumpati, tinalakay din ni Netanyahu ang mga operasyon ng Israel laban sa Iran at Hezbollah at pinasalamatan si US President Donald Trump sa suporta nito sa Israel.

Kasabay ng kanyang pagharap sa UN, daan-daang demonstrador ang nagprotesta sa New York laban sa mga operasyon ng Israel, habang ilang protesters ang dinetine ng pulisya.

Ang talumpati ni Netanyahu ay ginawa habang papalapit ang general election sa Israel sa Oktubre 27 at nagpapatuloy ang matinding international criticism sa Gaza war. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here