Home METRO Ex-sundalo, 3 pa arestado sa pagnanakaw ng convenience store sa Cavite

Ex-sundalo, 3 pa arestado sa pagnanakaw ng convenience store sa Cavite

2
0

QUEZON — Arestado ang apat na lalaki, kabilang ang isang dating korporal ng Philippine Army na umano’y AWOL mula pa noong 2011, kaugnay ng robbery sa isang convenience store sa Trece Martires City, Cavite.

Ayon kay PNP Public Information Office chief PCol. Allen Rae Co, natunton ng mga awtoridad ang mga suspek sa isang hotel sa Catanauan, Quezon matapos ma-trace sa CCTV ang kanilang pagtakas patungong Quezon province. Naaresto sila bandang alas-3:40 ng madaling araw nitong Huwebes, Setyembre 24.

Narekober sa operasyon ang isang M16 rifle, dalawang caliber .45 pistol, isang revolver, mga magazine at bala, dalawang rifle grenade, dalawang bala para sa M203 grenade launcher, at isang Nissan Terrano na hinihinalang ginamit sa krimen.

Sinabi ng pulisya na inamin umano ng mga suspek ang kanilang pagkakasangkot sa pagnanakaw sa Dali convenience store sa Trece Martires noong Miyerkules.

Iniimbestigahan din ng mga awtoridad kung sangkot ang grupo sa iba pang robbery incidents sa Calabarzon at kung bahagi sila ng mas malaking sindikato.

Nahaharap ang mga suspek sa mga reklamong may kaugnayan sa robbery, paglabag sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, at Republic Act No. 9516 kaugnay ng ilegal na pag-iingat ng explosives. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here