Home NATIONWIDE Mga inihaing mosyon sa korte ng mga suspek sa Degamo case, binalewala...

Mga inihaing mosyon sa korte ng mga suspek sa Degamo case, binalewala ng DOJ

AMNILA, Philippines- Inisnab lamang ni Justice Secretary Crispin Remulla ang mga mosyon na inihain sa korte ng kampo ng mga akusado sa Degamo murder.

Ayon kay Remulla, taktika lamang ang mga ito upang maantala ang paglilitis sa mga kaso laban sa mga akusado.

Sa oras aniya kasi na mahatulan ang gunmen sa Degamo murder noong Marso 4 ay madidiin ang mga principal o utak ng krimen.

Una nang naghain ng iba’t ibang mosyon sa Manila Regional Trial Court Branch 51 ang abogado ng 11 akusado sa Degamo case kaya ipinagpaliban muli ang arraignment sa mga akusado.

Kabilang na rito ang motion to quash para mabasura ang mga kaso at motion to remand para naman ibalik sa DOJ ang pagdinig sa mga kaso.

Naghain na rin ng recantation ang 10 suspect-witnesses kung saan binawi ang pag-amin at mga sinasabing nalalaman sa krimen. Teresa Tavares

Previous articleElon Musk muling itinanghal na world’s richest man
Next articleTeves binigyan pa ng ‘second chance’ kaya ‘di pinatawan ng expulsion- solon