Home NATIONWIDE Elon Musk muling itinanghal na world’s richest man

Elon Musk muling itinanghal na world’s richest man

Hong Kong- Muling itinanghal si Elon Musk bilang world’s wealthiest person.

Ito ay ayon sa Bloomberg Billionaires tally, at sinabing tinatayang aabot na ang Tesla (TSLA) CEO’s net worth sa halos $192 billion, kumpara sa $187 billion ni LVMH (LVMHF) CEO Bernard Arnault.

Matatandaang naungusan ni Arnault si Musk noong Disyembre, sa pag-akyat ng kanyang yaman dahil sa paglaki ng luxury goods sales na nakatulong sa pagtaas ng stock price ng LVMH. Ang LVMH, isa sa pinakamalaking conglomerates ng mundo, ang tahanan ng ilang kilalang brands kabilang ang Louis Vuitton, Dior at Celine.

Samantala, bukod sa Tesla, si Musk din ang CEO ng SpaceX, isang space exploration firm, at may-ari ng social network Twitter (TWTR). RNT/SA

Previous articleDesisyon ng SC na ‘di pagsosoli ng ipinataw na income tax ng water utilities, pinalagan
Next articleMga inihaing mosyon sa korte ng mga suspek sa Degamo case, binalewala ng DOJ