Home NATIONWIDE Desisyon ng SC na ‘di pagsosoli ng ipinataw na income tax ng...

Desisyon ng SC na ‘di pagsosoli ng ipinataw na income tax ng water utilities, pinalagan

MANILA, Philippines- Nanawagan ang grupong Bayan Muna sa Korte Suprema na atasan ang Maynilad at Manila Water na ibalik sa mga consumer ang ipinasa nitong corporate income taxes.

Una nang idineklara ng Korte Suprema na bawal ang ginawa ng dalawang water utilities na mangolekta ng corporate income taxes dahil sa pagiging public utility.

Gayunman, inihayag ng SC na hindi na maaring i-refund sa mga consumer ang nakolektang buwis dahil nagpaso na ang period para ito maibalik.

Dahil dito, naghain ng motion for partial reconsideration ang Bayan Muna hinggil sa nabanggit na landmark decision ng Korte Suprema.

Ayon kay Neri Colmenares, chairman ng Bayan Muna, malaking tulong sa taon-bayan ang refund sa taas ng presyo ng bilihin, walang trabaho, mababa ang sahod.

“So humihingi kami sa Korte Suprema na ire-consider yung parte ng decision na yan para sabihin sa korte suprema na hindi kami pwedeng mag file ng NWRB noon kasi hindi pa deklaradong public utility and Manila Water at Maynilad, “ ani Colmenares.

“Kaya sana naman dinggin ng Korte Suprema ang hinaing, hindi lang naman ng bayan muna kundi ng lahat ng consumer, maging sa Metro Manila man o sa ibang probinsya para naman ma-refund ang matagal nang ini-impose na corporate income tax sa taong bayan,” dagdag ni Colmenares. Teresa Tavares

Previous articleDOH: Pfizer bivalent, pedeng gamiting 3rd booster dose vs COVID
Next articleElon Musk muling itinanghal na world’s richest man