Home NATIONWIDE Mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng Marcos admin ‘di maituturing na...

Mga kaso ng pagpatay sa ilalim ng Marcos admin ‘di maituturing na EJK – DOJ

MANILA, Philippines- Walang kinalaman sa mga ipinaglalaban at freedom of expression ang mga napapaulat na kaso ng extrajudicial killings (EJKs) sa ilalim ng Marcos administration.

Iniulat ng Department of Justice (DOJ) na lumabas sa findings ng kanilang review panel na ang mga kaso ng EJKs ay dulot ng mga personal na alitan.

Sa isinagawang masusing pagsisiyasat ng DOJ Review Panel, ang mga napaulat na kaso ng EJKs sa ilalim ng Marcos administration ay walang kinalaman sa “exercise of freedom of expression.”

Ayon sa DOJ, mahalagang makilala ang kaibahan ng pagpatay bunsod ng lehitimong law enforcement activities at ang tunay na mga insidente ng EJKs.

Tiniyak ng kagawaran sa publiko na patuloy nitong mino-monitor ang human rights situation sa bansa at doble kayod sa pag-imbestiga sa mga napapaulat na kaso ng EJK.

Una nang iginiit ni Justoce Sec. Jesus Crispin Remulla na ginagawa ng kagawaran ang lahat upang bantayan ang karapatang pantao at sugpuin ang mga kaso ng EJK.

Tiniyak ni Remulla na may mga repormang nakalatag upang mabago ang kaisipan, pananaw at asal ng mga tiwaling awtoridad.

“We guarantee that reforms are in place to change the mindset and attitude of erring law enforcers and make them responsible for their actions.We are taking all the necessary steps to strengthen the criminal justice system and hold to account the perpetrators of these violations.”

Ipinaalala ng DOJ sa mga law enforcer na walang ‘shortcuts’ sa pagpapatupad ng peace and order. Teresa Tavares