Home ENTERTAINMENT Charlie, nag-throwback sa pagharang sa airport!

Charlie, nag-throwback sa pagharang sa airport!

Manila, Philippines – Mula sa pagiging support sa mga pelikula at serye, dumaan din sa butas ng karayom si Charlie Dizon bago pa siya nakapagbida.

Ayon pa sa aktres, biggest break daw niya ang role niya bilang bida ngayon sa Four Sisters Before The Wedding na prequel sa Four Sisters and A Wedding. 

Ang movie na idinirehe ni Mae Cruz Alviar ay pinagbidahan din nina Belle Mariano, Alexa Ilacad at Gillian Vicencio.

Dagdag pa niya, bet din daw talaga niya ang papel ni Teddie Salazar na ginampanan ni Toni Gonzaga sa unang kuwento at nagpapasalamat siya na napunta ito sa kanya sa prequel. 

Hindi rin daw niya malilimutan ang pelikulang Fan Girl na nagbigay sa kanya ng kanyang kauna-unahang best actress award sa MMFF noong 2020.

Pangarap daw niya noon na maipalabas ang pelikula sa mga sinehan gayunpaman, tila may ibang plano ang universe dahil sa online ito napanood dahil sa pandemya.

Hindi rin daw birong hirap ang inabot niya sa paggawa ng nasabing pelikula. 

Sa tsikahan nila ni Maricel Soriano sa vlog ng Diamond Star, may nakapanlulumo raw siyang karanasan kaugnay ng pelikula.

Bet daw kasi na isali ng kanyang director na si Antoinette Jadaone ang movie sa isang film festival sa Estonia kasama siya. 

Ang kaso, dahil daw sa matinding protocol noong pandemya, hinarang daw sila sa airport at hindi pinayagang makalipad. 

Nanghihinayang daw siya noon knowing na nakagawa sila ng isang maganda at makabuluhang pelikula. 

Speaking of friendships, thankful daw siya sa bond na nabuo sa kanila nina Loisa Andalio at Elisse Joson na nabuo noong ginagawa nila ang isang serye.

Hanggang ngayon daw kasi ay aktibo pa ang kanilang group chat. Archie Liao